DSWD 12, naglaan ng P 91.2 million para sa cash for work program

KORONADAL CITY- AABOT sa P 91,202,980 ang inilaang pondo ng Department of Social Welfare and Development o DSWD Region 12 para sa Risk Resiliency Program – Climate Change Adaptation and Mitigation o RRP-CCAM.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Makikinabang dito ang 26,521 na mga benepisyaryo sa apat na mga probinsya sa rehiyon.

Ang RRP-CCAM ay nagbibigay ng pansamantalang trabaho sa mga natukoy na benepisyaryo.

Kabilang sa mga pinapagawa sa mga ito ang tree planting, community gardening, canal declogging, bamboo contouring, rehabilitasyon ng mga sirang daan at iba pang aktibidad na makatutulong upang maibsan ang epekto ng climate change.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting