2 pang firms, interesado sa local vaccine manufacturing- DOST

Nagpahayag ng interes ang dalawa pang kumpanya para mag-produce locally ng mga bakuna kabilang na ang vaccines kontra COVID-19.

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary Rowena Guevara, mayroong walong firms na nais gumawa ng vaccines sa bansa at karamihan sa mga ito ay mayroong partners o pasilidad sa overseas. 

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Sa mga kumpanyang ito, lima ang nais gumawa ng COVID-19 vaccines, dalawa ang nais magsimula ng non-COVID-19 shots, at isa ay nananatiling undecided. 

Aniya, may isang kumpanya na planong magsimula na ng fill-and-finish facility ngayong 2021. 

Paliwanag ng opisyal, ang fill-finish facility ay ang tatanggap ng mga antigen at pagkatapos ay ilalagay ito sa mga ampoules, vials, o injectables. 

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Dagdag ni Guevarra, pwedeng matapos ang fill-finish facilities sa loob ng dalawang taon habang aabutin ng tatlong taon para sa isang local firm na may partner na foreign manufacturer na makapag establish ng full-fledged vaccine manufacturing facility. 

Mababatid na una nang lumagda ang ilang government agencies sa isang joint memorandum sa pagbuo ng “green lane” para sa local COVID-19 manufacturers na nais kumuha ng permits, licenses, at authorizations.