31 katao, patay sa pagsabog sa isang restaurant sa China

Patay ang 31 katao sa China nang magkaroon ng gas leak sa isang restaurant na naging sanhi ng pagsabog nito.

Nangyari ang pagsabog sa Yinchuan, China habang pinagdiriwang ang Dragon Boat Festival kung saan lumalabas at nagdiriwang ang karamihan sa mga residente kasama ang kanilang mga kaanak.

Ayon sa pahayag mula sa Xinhua state news agency, liquefied petroleum gas leak ang naging sanhi ng pagsabog ng barbecue restaurant at pito pang katao, kabilang ang isa na nasa kritikal na kondisyon, ang kasalukuyang ginagamot sa ospital.

Karamihan umano sa mga biktima ay high school students at retirees na ang sanhi ng pagkamatay ay suffocation na maaaring dulot ng matinding usok mula sa insidente. // AC