Pagkalat ng viral disease re: el niño, pinaghahandaan – WHO

Pinaghahandaan na ng World Health Organization ang posibleng pagkalat ng viral disease tulad ng dengue, zika at chikungunya na iniu-ugnay sa El Niño weather phenomenon.

Kaya naman nagbabala si WHO director general Tedros Adhanom Ghebreyesus, na posibleng maging sanhi ang climate change ang pagdami ng mga lamok, kung saan nakita na sa mga nakalipas na dekada ang pagtaas ng kaso ng dengue, partikular sa Amerika.

Read More:  Nearly 200 OFWs to come home following attacks in Saudi Arabia

Nauna nang nagdeklara ng state of emergency ang bansang Peru ngayong taon dahil sa pagsirit ng kaso ng Dengue. Nagbitiw din ang Health Minister ng bansa na si Rosa Gutierrez.

Read More:  At least 33 killed as school roof collapses in northern Pakistan

Ilan sa sintomas ng dengue ang lagnat, sakit ng ulo, muscle and joint pain, nausea, vomiting at fatigue.//Katrina Jonson