306 million pesos na halaga ng makinarya, ipinamahagi sa mga magsasaka sa Isabela

Ipinamahagi sa 170 Farmers’ Cooperatives and Associations o FCAs ang nasa mahigit 300 milyong piso na halaga ng iba’t-ibang makinarya sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DA Region 2 Regional Director Narciso Edillo, ito ay sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) alinsunod sa Rice Tarrification Law o RTL.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Aniya, nasa ikatlong taon na ito ng pamamahagi simula noong 2019 hanggang 2024.

Layunin nito aniyang mapababa ang harvesting cost at mapataas naman ang kita ng mga magsasaka ng palay.

Sinabi pa ni RD Edillo na dumaan sa masusing assessment at compliance ng requirements ang mga FCA.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Kailangan aniya na registered ang mga ito at accredited sa DA para makasali sa naturang proyekto.

Inihayag din nito na patuloy nilang minomonitor ang mga ipinamamahaging makinarya upang maatiyak ang maintenance ng mga ito.