30 livestock evacuation centers, itinatag bilang pansamantalang tirahan ng mga hayop na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Itinatag ang 30 livestock evacuation centers upang magsilbing pansamantalang tirahan ng mga hayop ngayong patuloy pa rin ang pagpapakita ng abnormalidad ng Bulkang Mayon.

Ayon kay Department of Agriculture (DA) Bicol Regional Executive Director Rodel Tornilla, sila ay nagbibigay ng mga gamot at biologics para sa mga hayop upang matiyak na ang mga ito ay nasa mabuting kondisyon habang nasa evacuation centers.

Read More:  Five dead after van crashes into parked truck in Zamboanga del Sur

Aniya, magtatatag sila ng Kadiwa ng Pangulo sa mga lugar na malapit sa mga evacuation centers upang makabili ang mga evacuees ng mga abot-kayang mga pangunahing bilihin.

Sinabi rin nito, nasa proseso na sila ng pagbibigay ng alternative livelihood para sa mga evacuees.

Read More:  Seven vehicles crash in Davao City, leaving one dead and three injured

Kasama sa nasabing alternative livelihood sa iba’t ibang mga evacuation centers ay ang pagtatanim ng mga gulay, lalung-lalo na ang rabbit breeding, upang kahit na wala sila sa kanilang mga lupang tinataniman ay mayroon pa rin silang kabuhayan.