P28-B NTF-ELCAC fund, pinababalik ni Duterte sa solons

Dapat maibalik sa orihinal na halaga ang budget ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte makaraang humarap sa Joint NTF Regional ELCAC sa Zamboanga City.

Nasa dalawampu’t walong bilyong piso ang orihinal na pondo ng nasabing task force sa 2022 para sa mga development project sa mga liblib na barangay sa bansa, subalit tinapyasan ito ng Senado at ngayon ay nasa sampung bilyong piso na lamang.

Read More:  PNP says search for Bato Dela Rosa remains on track

Ayon sa Pangulo, mahalaga ang mga pag-unlad sa mga malalayong lugar para walang dahilan ang mahihirap na residente na sumapi sa New People’s Army (NPA) at front organizations nito.

Read More:  Marcoleta pleads not guilty in plunder case

Sinabi pa ng Pangulo na nakaugalian na ng mga Senador na kahit wala namang makitang basehan sa kanilang mga alegasyon ng korapsyon o anomalya sa gobyerno, gagawa at gagawa ang mga ito ng isyu.