3 sugatan sa pananaksak sa Naga City

NAGA CITY – Sugatan ang tatlo katao matapos ang pananaksak sa Pagdaycon Barangay Mabolo Naga City nitong Mayo 14, 2024, sangkot ang 2 minor de edad at 42 anyos na lalaki.


Ayon kay PMAJ. Nollan Romobio, Station Commander ng Naga City Police Office Station 3, fiesta sa lugar at may sayawan, nagkita ang suspek at ang biktima na dati na umanong may alitan, nagkainitan kaya sinaksak ng suspek ang biktima gamit ang dalang patalim, naagaw ng biktima ang armas sinaksak kaya din ang suspek, umawat naman ang ama ng biktima dahilan upang madamay at masaksak ito, agad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan para sa atensyon medikal.

Read More:  Kabankalan LGU to takeover Dr. Gumersindo Garcia, Sr. Memorial Hospital
Read More:  20 of 36 health facilities in Kabankalan face flood risk, data shows


Nagpapagaling na sa hospital ang mga nasugatan at sa ngayon hinihintay pa ang desisyon ng ama para sa susunod na aksyon.