Idineklara na kahapon bilang insurgency free ang siyudad ng Santiago base sa Resolution No.11 THCC-282 na ipinasa noong ika-25 ng Hunyo taong kasalukuyan.
Nagkaisa ang mga kasapi ng Sangguniang Panglungsod at mga ahensiya ng pamahalaan na sumasaklaw sa implementasyon ng EO 70 o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ideklarang malaya na ang lungsod sa komunistang grupo.
Naging matagumpay ang Inter-Agency Task Force (IATF) Balamban na binubuo ng 502nd Infantry Brigade, 86th Infantry Battalion at Santiago City Police Office (SCPO) sa pagbuo ng mga mekanismo upang matuldukan ang operasyon ng mga prenteng organisasyon sa siyudad.
Sa pamamagitan ng PROJECT ARAPAAP –Sanriago Chapter, naaresto ang mga indibidwal na nagsasagawa ng pagrerekrut sa mga kabataan.
Sa isinagawang pagsusuri ng mga kinauukulan ay naabot ng lungsod ang mga panuntunan upang maideklarang insurgency free and in a state of stable internal peace and security ang siyudad.
Ayon kay Mayor Alyssa Sheena Tan-Dy, maituturing na malaking tagumpay ang kanilang nakamit bilang nag iisang independent City sa Rehiyon Dos.
Dahil sa pagkakadeklarang insurgency free, mas makakahikayat pa sila ng maraming mamumuhunan.
Nagsilbing panauhing pandangal si BGen. Eugene L. Mata, Brigade Commander ng 502nd Infantry Brigade, at dumalo sa aktibidad sina Dir. Plormelinda Olet ng NICA Region 2, kapulisan , mga opisyal ng siyudad at barangay.#| (Cabigas)