Umaasa ang Health Officials na mauumpisahan na ang pagro-rollout ng 4th dose ng bakuna, o ang ikalawang booster shots para sa vulnerable sector.
Ayon kay Health Undersecretary at NVOC chair Myrna Cabotaje, posibleng sa susunod na linggo ay maumpisahan na ang 2nd shot ng booster vaccine sa buong bansa.
Aniya, hindi na magkakaroon ng phases kada rehyon kagaya ng ipinatutupad dati na NCR Phase 1 at iba pa.
Sa ngayon ay hinihintay na lamang umano ang pinal na guidelines para maumpisahan na ito.
Samantala, nagbabala naman si Presidential Adviser on Entrepreneurship Joey Concepcion sa mga epekto sa ekonomiya ng mababang bilang ng mga nagpapa-booster shots.

Sa isang panayam, sinabi nitong mahihirapang manumbalik ang mga negosyo at magbukas ang ekonomiya kung marami pa rin sa ating mga kababayan ang hindi nagpapabakuna.
Giit nito, lalo na’t nagwe-wane na o humihina na ang epekto ng mga naunang dose, mas kinakailangan ngayon ang booster para matiyak ang kaligtasan sa mga establisimyento sa bansa.