Patay ang tatlong tao na kabilang sa security forces habang dinagsa ng mga alakdan ang bahay ng mga residente matapos ang pambihirang flash flood sa Egypt.
Unang itinanggi ng Egyptian Health Ministry na kamandag ng alakdan ang ikinamatay ng tatlong biktima.
Ayon sa report, umabot sa mahigit 500 ang bilang ng mga taong nakagat ng alakdan na kinailangang turukan ng anti-venom sa mga ospital.

Napag-alaman na umaabot lamang sa 1-milimeter ang rainfall sa Aswan area kaya naman marami ang nagulat sa pambihirang pagkakataon na pagbaha sa lugar.
Ang fat-tailed scorpions ng Egypt na madalas na nakikita sa disyerto ang isa sa mga pinaka-nakamamatay sa buong mundo.
Maliban sa pinsala ng mga alakdan, maraming kabahayan din ang nasira habang napinsala ang ilang mga kalsada dahil sa malakas na ulan sa Aswan desert.