Naga City, isasailalim na sa COVID Alert level 2; lungsod nakapagtala na ng Zero case

NAGA CITY-  Isasailalim na sa Alert Level 2 ang Naga City simula sa Nov. 17, 2021 o General Community Quarantine  galing sa  Alert Level 3 o GCQ with heightened restrictions.

Ito ay dahil sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa lungsod na kahapon nga ay ZERO case o walang naitala, mababa rin ang mga nagpopositibo nitong mga nagdaang araw na hindi na umaaabot sa sampu. April 2021 nang huling maitala ang zero COVID case.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Mataas na rin ang bilang ng nababakunahan na umabot na sa 61, 521 o 29.4 % ng target population ang fully vaccinated. Hindi na nagpupunuan sa mga ospital at isolation facilities.

Ayon kay City Planning Officer Mr. Willy Prilles na siya ring nasa City Analytics Group kasama ang Institute for Environmental Conservation and Research (INECAR) ng Ateneo De Naga University noong nagdaang taon nang papasok na ang Holiday Season ay nagiging kampante ang publiko dapat aniyang mapanatili pa rin ang health standards.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ang mga pagbabago sa guidelines ng Health Emergency Response Task Force (HERTF) ukol sa mga establishments na maaaring mag bukas pati sa mga pinapayagan makapasok.  (See guidelines: https://www.facebook.com/NagaCityGovernment/posts/4833649696685743