Tatlong tao ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mamaril ang isang lalaki sa loob ng Indiana shopping mall sa Indianapolis.
Kinumpirma ng hepe ng pulis na si Jim Ison na napatay naman ng isang armadong sibilyan ang suspected gunman.
Ayon sa report, pumasok ang suspect sa Greenwood Park Mall na may dalang rifle at ilang magazine ng ammunitopm at bigla lang namaril sa food court.
Na-recover ng mga pulis ang isang kahina-hinalang backpack na nasa palikuran malapit sa food court. Aminado naman ang Indianapolis.
Assistant chief na si Chris Bailey na ayaw na nila ng ganitong kaparehong insidente na patuloy na dumadami sa kanilang bansa.
Samantala, hindi pa malinaw ang motibo sa nasabing panibagong shooting incident. (LNM)
