Danao ikinagalit ang pagkasawi ng isang pulis matapos ang NPA ambush sa N. Samar

Ikinagalit ni Philippine National Police officer-in-charge Gen. Vicente Danao Jr., ang pagkamatay ng isang PNP personel matapos ang ginawang ambush ng hinihinalang miyembro ng New Peoples Army sa probinsiya ng Northern Samar nitong weekend.

Sa kanyang talumpati sa flag raising ceremony sa Camp Krame sinabi ni Danao masama ang kanyang loob dahil nagsasagawa lamang ng humanitarian mission ang mga kapulisan ng tambangan ng communist-terrorist group.

Ayon kay Danao lagi nalang sumasandal sa human rights ang mga rebeldeng grupo subalit kapag ito naman ang gumawa ng kalokohan at pumatay ng pulis ay nawawala ang siyu ng human rights.

Read More:  Comelec says it is 95% ready for the BSKE

Dagdag pa ng heneral na hindi naman anti-criminality ang ipinunta ng kanyang mga tauhan sa lugar bagkus nagtungo ang mga PNP personnel para maghatid ng tulong sa mga mahihirap na pamilya.

Nabatid na nadala pa sa pagamutan ang biktimang si Patrolman Mark Monge subalit kalaunan ay binawain din ng buhay.

Danao binira ang hirit na peace talks ng CPP-NPA matapos ang ambush sa N. Samar na ikinamatay ng isang pulis

Binira ni Philippine National Police officer-in-charge Gen. Vicente Danao Jr., ang inihihirit na peace talks ng Communist Party of the Philippines – New Peoples Army (CPP-NPA) matapos masawi ang isang pulis habang nagsasagawa ng humanitarian mission sa Northern Samar.

Read More:  PGMN host CJ Hirro named person of interest in alleged ₱350M extortion case

Sa flag raising ceremony sa Camp Krame kwenistiyon ni Danao kung anong klaseng peacetalks ang gustong mangyari ng mga rebeldeng grupo.

Kung pwede lang umanong baliktarin ang gobyerno ay si Danao na mismo ang aambush sa mga kumunista.

Kasabay nito nag-alay naman ng ilang minutong katahimikan ang PNP para ipanalangin ang pagkamatay ni Patrolman Patrolman Mark Monge na bahagi ng PNP Regional Mobile Force Battalion nang mangyari ang pananambang.

Nangako naman si Eastern Visayas Regional Police Director Brig. Gen. Bernard Banac na hahabulin ang mga salarin sa nangyaring ambush na nagresulta sa pagkalagas ng isa sa kanilang kasamahan.
#