SORSOGON CITY – Kinumpirma ng Sorsogon Provincial Veterenary Office (PVO) na mabibigyan na ng prayoridad ang pagreresolba sa kaso ng rabies sa lalawigan kasunod ng pagbubukas ng bagong diagnostic laboratory.
Sa panayam ng Brigada News FM- Sorsogon sa head ng opisina na si Dr. John Ashley De Castro, sinabi nito na patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Gobernador na si Francis ‘Chiz’ Escudero sa ibat- ibang ahensya ng gobyerno at national level para sa mga kagamitan na gagamitin ng laboratoryo upang matutukan ang kaso ng rabies.
Aniya, malaking tulong ang pagkakaroon ng sariling laoratoryo dahil mas makakapag-pokus ang kanilang hanay sa pagtukoy ng rabies sa bawat bayan at pagbibigay ng tamang pag-aalaga sa mga asong gala na maituturn-over sa kanilang opisina.
Gayunman, mahalaga pa rin ang pagiging responsableng dog owner dahil dito nagsisimula ang pagkakaroon ng hindi magandang kondisyon ng isang aso na nagreresulta sa pagkalat ng rabies lalo na sa mga remote barangays.
Matatandaan na noong Enero 27 ay pinasinayaan ang bagong edipisyo ng Provinicial Veterenarian Office sa Brgy Cogon, Juban, Sorsogon.
