Magsayo, ‘dream come true’ ang pagkapanalo sa kanyang 1st world boxing title

“Dreams come true” para kay Filipino fighter Mark Magsayo, ang pagkapanalo para sa kanyang unang world boxing title.

Mababatid na tinanggalan nito ng korona si Gary Russell, Jr. para sa WBC featherweight title.

Dahil sa kanyang pagkapanalo, napanatili ni Magsayo ang kanyang undefeated record at na-improve pa sa 24-0 na may 16 knockouts.

Kaugnay nito, handa na ang bagong world champion na lumaban kahit sinu.

Samantala, ipinapaubaya naman ni Magsayo ang pagdedesisyon sa kanyang promoter Sean Gibbons, ang rematch laban kay Russell.