Patay ang tatlong mag-aama matapos itong tamaan ng kidlat habang nangingisda sa laot sa Rosario, Cavite.
Ayon sa isang mangingisda na si Reizel Ociel, pauwi na sila nang makita nila na may nakataob na bangka sa karagatan ng Limay, Bataan dakong ala-una kaninang madaling araw.
Nang lapitan na niya ang bangka ay dito na niya nakita ang nakalutang na mga katawan ng mag-aama.
Agad naman siyang nakahingi ng tulong kaya mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard para maiuwi sa kanilang pamilya ang labi ng mga biktima.