Mga barko na inatake sa Red Sea, hindi na papayagang magsakay ng Filipino seafarers

Nagtakda ng patakaran ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga barko na lumalayag sa Red Sea na may sakay na Filipino seafarers.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac, hindi na papayagang mag sakay ng Filipino seafarers ang mga may-ari ng barko na una nang inatake sa Red Sea, lalo na kung dadaan ito sa kaparehong ruta at sa Gulf of Aden.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Pero paglilinaw ni Cacdac, walang problema kung sa ibang ruta dadaan.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Nabatid na may karapatan ang mga Filipino seafarers na tumangging lumayag kung ang sinasakyan nilang barko ay dadaan sa mga natukoy na high-risk areas at war-like zones.