3 lugar sa Camarines Sur nasa Red Category sa Election Areas of Concern  

NAGA CITY- Nakaalerto ang pulisya sa Camarines Sur sa alinmang bayan.

Sa Election Areas of Concerns , 13 na mga lugar ang nasa Category Green,  o “no security concern”  ibigsabihin ay mapayapa o walang kaluguhan may koneksyon sa halalan.

3 naman sa Yellow o  “area of concern”, may mga election related incidents sa nakalipas na dalawang sunod na halalan subalit wala namang presensya ng mga rebelde na puwedeng makapaghatid ng kaguluhan.

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS

17 ng nasa Orange Category, ito ang mga lugar na  “area of immediate concern” , kumbinasyon ng isa o dalawang mga batayan sa Yellow Light at may banta ng rebelde o terorista.

Habang tatlo ang nasa  Red o  “area of grave concern” , kung mayroon ng alinmang batayan sa Yellow , may seryosong banta ng mga rebelde at may kasabay nang mga karahasan.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa naging panayam ng Brigada News FM Naga kay PLtCol. James Ronatay, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office, sinabi nitong hindi na sila magbabanggit kung anong mga lugar dahil confidential, ngunit sinabing aabot ng halos dalawang libo ang i-dedeploy mula sa PNP na dadagdagan pa ng aabot sa mahigit 800 na mula sa iba pang augmentation forces.