NAGA CITY- Inatasan na ang mga schools division superintendent sa buong Bicol upang makapag reflect at ma-review ang mga pamamaraan sa pagtuturo ng kasaysayan sa Elementarya at Sekondarya.
Ito ay kaugnay ng mali-maling sagot sa isang reality show noong magkaroon ng tila quiz bee sa kasaysayan. Mababatid na sa halip na Gomburza ang pinaikling tawag sa mga paring martir na sina Mariano Gomez, José Burgos at Jacinto Zamora ay “MaJoHa” ang sagot.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Department of Education (DepEd) Regional Director Dr. Gilbert Sadsad, sinabing maaaring may kulang o may mali dahil hindi alam ng mga kabataang kalahok ang ilang mga importanteng bahagi ng kasaysayan.
Bukod sa “MaJoHa” nasundan pa ang usapin matapos ang picture quiz bee, tinawag na Chocolate Hills ang Hagdan hagdang Palayan o Banaue Rice Terraces. Habang ang ikinukunsiderang Pambansang Bayaning si Dr. Jose Rizal ay kinilalang Doniafe Rodrigo at marami pang ibang kamalian.
Ayon pa sa Regional Director batid niyang may mga guro ring nakapanood nito , sana aniya ay maging bukas ang isip na dapat magawan ito ng aksyon lalo na’t marami nang mga nakakahati ng atensyon ng mag-aaral.