Dagdag-singil sa SLEX at MCX toll rates, lalarga sa Nov. 3

Inanunsiyo ng Toll Regulatory Board na may dagdag-singil sa South Luzon Expressway (SLEX) at Muntinlupa–Cavite Expressway (MCX) simula November 3.

Ayon sa pamunuan ng SLEX, ang mga motoristang bumabiyahe mula Alabang papuntang Calamba ay may karagdagang P10.00 para sa Class 1; P20.00 sa Class 2 at P30.00 naman sa Class 3.

Read More:  107 residents evacuate after Taal volcano eruption triggers ashfall in Batangas

Habang mula Calamba hanggang Sto. Tomas, Batangas ay may umento na P4.00 sa Class 1; P6.00 sa Class 2; at P8.00 naman sa Class 3.

Read More:  Two college students found dead after Cagayan de Oro house fire

Samantala, sisingilin naman ng dagdag P1 hanggang P3 ang mga motoirstang dadaan sa MCX toll gates.