3 kalalakihan, arestado matapos umanong gahasain ang isang 18 anyos na dalaga

Nahaharap sa kasong RAPE ang tatlong kalalakihan matapos idiin sa reklamong panggagahasa sa isang 18 anyos na dalaga sa Puerto Princesa.

Ayon sa source ng Brigada, nagreklamo ang isang babae sa Police Station 1 kahapon at idinetalye nito ang mapait na karanasan.

Read More:  Malunggay-pandesal vendor shot dead in Maguindanao del Sur

Kinilala niya ang nasa hustong gulang na mga suspek kaya agad silang hinuli ng mga pulis sa Barangay San Miguel kahapon, ika- 7 ng Nobyembre.

Read More:  Most wanted Masaronay group leader killed in police shootout in Lanao del Norte

Nag-inuman umano ang mga suspek hanggang madaling araw kahapon sa labas ng tindahan kung saan naroon ang biktima , na malapit sa pinagtatrabahuan ng tatlong suspek.

Ngayong araw, pinoproseso na ng Police Station 1 ang pagsasampa ng kaso sa tatlong mga inaresto.