Pamilya ng namatay na pasahero, wala nang inaasahang tulong mula sa RORO bus trans.

Wala nang inaasahang tulong ngayon ang pamilyang naulila ng isang pasaherong namatay matapos ang aksidente ng RORO Bus sa barangay Langongan.

Ito ay matapos na hindi magkasundo ang kinatawan ng bus transport at si Mrs. Aubrey Dumaran- asawa ng namatay na si Arvine Anting Fuentes.

Read More:  Slain rebels in southern Negros responsible for 26 civilian killings since 2025, Army says

Kahapon ay nagharap sa opisina ni Atty. Joemar Caluna ang dalawang panig pero hindi pumayag si Mrs. Dumaran sa inihaing kondisyon ng kompanya bago sila mabigyan ng assistance.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Dahil sa hindi pagkakasundo ay tutuluyan umano ng kaso ng pamilya ang driver na si Noly Valdestamon Paduga.

Una rito ay inihayag ni Atty. Roent Ylagan ng LTFRB 4B na dapat ay may insurance ang mga transport vehicle sa kanilang mga pasahero.