3 kabataang agribiz na panalo sa YFCF NG DA RFO2, nakatanggap ng 150,000 grant

Nakatanggap ng 150,000 grant per enterprise ang tatlong kabataang Agribiz na itinanghal bilang panalo sa ginanap na Young Farmers Challenge Fund:  Kabataang Agribiz Competitive Grant Assistance Program sa DA-CVRC, San Felipe, City of Ilagan.

Ayon sa ahensya, ang tatlong kabataang nanguna sa nasabing kompetisyon mula sa 14 na kalahok ay sina Jecerlene Sabio na nakipagsapalaran sa Contract Growing and Processing of Upgraded Native Chicken.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Kabilang dito si Jerry Mar Rafael sa tumutok sa Integrated-Farming at John Reynald Simon naman sa Mushroom Production.

Ang tatlong kabataang Agribiz ang magiging pambato ng Region 2 sa National Level Competition kung saan maari silang manalo ng 300,000 pesos grant per enterprise na malaking tulong upang mapalago ng mga ito ang kanilang negosyo.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Lumahok din sa nasabing kompetisyon ang 11 na Young Agripreneurs kung saan ang kanilang negosyo ay kinabibilangan ng Oyster Mushroom Production, Sokolet: Tree to Bar, ream Fresh: Healthy Food Service for Every Juan, Tomato Jam, RM Rabbitry Production Kabute, Project Likas Yamang Kabutehan, Free Range Chicken Production at Vegetable Seedling Production.