BICOL—Umabot na sa 56% ng target ang mga nabakunahan kontra COVID-19 sa lalawigan ng Albay sa Bayanihan Bakunahan National Vaccination Days.
Katumbas ito ng 139,402 na mga nabakunahan mula sa 247,863 na target para sa probinsya.
Sa mga itinakdang bilang kada LGU, pinakamarami ang naabot ng lungsod ng Legazpi na umabot sa 187% ng target.
Katumbas ito ng 16,591 na mga nabakunahan mula sa 8,888 na target o halos doble pa sa itinakda ng Department of Health.
Pangalawa dito ang bayan ng Manito matapos makapagbakuna ng 72% ng kanilang target na katumbas ng 3,700 na nabakunahan mula sa 5,120 na itinakda ng DOH.
Pangatlo ang bayan ng Tiwi na nakapagbakuna ng 67% ng kanilang target o katumbas ng 7,228 ng kabuuang 10,723 na target.
Ikaapat ang lungsod ng Tabaco na nakapagbakuna ng 65% ng kanilang target o katumbas ng 15,033 mula sa 23,206 na itinakda ng DOH at ikalima ang Pio Duran matapos makapagbakuna ng 62% ng kanilang target o katumbas ng 5,801 na nabakunahan sa kabuuang 9,292 na target.
Ayon sa DOH, partial pa lang ito dahil mayroon pang mga LGU na extended ang bakunahan hanggang ngayong araw.### | slm