Top most wanted na Barangay Tanod, arestado

SORSOGON CITY – Natimbog na ng mga awtoridad ang itinuturing na No. 1 most wanted person sa bayan ng Casiguran, Sorsogon matapos na isilbi ang kanyang warrant of arrest sa Brgy Trece Martirez.

Kinilala ang akusado na si Edwin Hagos Hitosis, 57-anyos, Brgy Tanod at naninirahan sa nasabing barangay.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Batay sa ulat ng Pulisya, si Hitosis ay miyembro ng makakaliwang grupo sa ilalim ng Larangan 1, Komite Probinsyal 3 at nasa record bilang Non-Periodic Situation Report Listed (NPSRL). Kasamahan umano ito noon ng yumaong si Antonio Hadap Benzon Jr o ‘Ka Pita.’

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Inaresto si Hitosis 12:30 ng hapon kahapon, Disyembre 2 sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Br 52 sa kasong murder na walang piyansa na itinakda.

Dinala ang akusado sa himpilan ng Pulisya para sa kaukulang dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.