3 estudyante na nagmo-module, patay nang araruhin ng 10-wheeler truck sa Masbate

SORSOGON CITY – ‘Dead on the spot’ ang tatlong estudyante na matapos araruhin ng isang dump truck ay nadaganan pa umano ang mga ito sa Brgy Matagangtang sa bayan ng Placer, Masbate.

Sa pahayag ng Placer Municipal Police Station sa Brigada News FM-Sorsogon, inihahanda na nila ang kaukulang kasong isasampa sa 30-anyos na driver ng truck na nakilalang si Jomar Tanael.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kinilala naman ang mga biktima na sina Christy Francisco, 16-anyos; Ferdalyn Caṅete, 10-anyos at Jelian Tamayo, 13-anyos, pawang mga residente ng nasabing barangay.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na nawalan umano ng kontrol sa manibela ang driver ng nasabing truck kung kaya’t naararo nito, hindi lang ang Pisonet, kung saan nagmo-module ang mga biktima kundi pati ang isang motorsiklo at tricycle.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nasa kustudiya na ng pulisya ang truck driver na mahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Multiple Homicide and Damage to Properties.

Halos nagluksa naman ang buong barangay sa nangyare sa tatlong estudyante.

PHOTO: Mary Grace Estrella