LEGAZPI-Maaga na nagpalabas ng anunsiyo sa publiko ang Philippine Statistics Authority Regional Statistical Service Office V (PSA-RSSO V) para sa pagsasara nito ng ilang araw simula Oktubre 15 para sa paglilipat ng kanilang opisina.
Sa kanilang abiso,ang mga CRS Outlet ang magsasara subalit bukas naman ang kanilang online para sa mga kukuha ng dokumentos tulas ng Birth, Marriage, Death certificate.
Samantalang nilinaw rin nila na masasagutan pa rin ang mga katanungan sapamamagitan ng kanilang email address at mga numero.
Siniguro rin ng PSA na maibabalik agad ang regular na serbisyo Oktubre 18, 2021.
Kung dati ay matatagpuan sa Old Albay ang kaning opisina, ngayon ay ililipat na ito sa Regional Center Site sa Brgy. Rawis, Legazpi City kasama ang iba pang opisina ng ahensya ng gobyerno.