2nd booster shot sa piling sektor, uumpisahan na ngayong linggo

Inaasahan ng mga health officials na ma-umpisahan na ang 4th dose ng bakuna kontra Covid-19, o ang ikalawang shot ng booster dose.

Ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje, sakali mang maisapinal na ang rekumendasyon ng Health Technology Assessment Council, posibleng sa Miyerkules ay mauumpisahan na ang inisyal na batch ng 2nd booster dose.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Target nitong mabakunahan ang 1.8million na healthcare workers, mga immunocompromised, at mga 60 anyos pataas na indibidwal.

Ngayong nakalapat na ang guidelines, tanging final review na lamang mula sa HTAC ang hinihintay para sa roll-out nito.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Ang ikalawang booster shot ay ibibigay – apat na buwan matapos ang unang booster shot.

Sa tala ng National Vaccination Operations Center, tinatayang higit 1.8Million ang mga qualified sa ika-apat na dosage ng bakuna.

#