Muling magpapatawag ng pagdinig ang Kamara para talakayin ang kahandaan ng Commission on Elections sa nalalapit na May 9 Elections.
Sa abiso, pangungunahan ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang hearing sa Miyerkules kung saan ay ipatatawag ang mga tauhan ng poll body para malaman kung handang-handa na ba ito sa halalan.
Maliban sa preperasyon ng Comelec, nakatakda ring imbestigahan ng mga mambabatas ang iba’t ibang ulat ng aberya sa nagpapatuloy na overseas nabsentee voting ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Kung matatandaan, nagkaroon ng delay sa pagpapadala ng mga election paraphernalia sa ibang mga lugar, at nagkaroon din ng isyu ng pre-shaded ballots.

Ayon sa Kapulungan ng Kamara, nais nilang tiyakin na handa ang Comelec, Foreign Affairs Department, at mga konsul sa ibang bansa, para sa maayos na halalan at pagboto ng ating mga kababayan.
Dapat umanong masiguro na tapat, at walang aberyang kahaharapin ang mga overseas Filipinos sa pagsasanay ng kanilang karapatang makaboto.
#