Pinangunahan ng pamahlaang lungsod ng Batangas, ang pagdiriwang ng 29th Police Community Relations month ng Batangas City Police Station sa Plaza Mabini.
Nagsagawa ang mga kapulisan ng posting ng PCR month tarpaulin sa lungsod para ipabatid sa publiko ang nasabing aktibidad.
Dagdag pa rito, magkakaroon din ng Blood donation activity ang Batangas CPS ngayong darating na July 3 at iba pang tulong serbisyo para sa iba’t-ibang barangay sa July 5 at 21, 2024.
Kabilang dito ang Livelihood program, tree planting activity, Coastal Clean-up, Libreng Gupit, Brigada Eskwela, Mangrove Planting at pamamahagi ng school supplies.
Matatandaang idineklara bilang Police Community Relations month ang buwan ng Hulyo upang mas paigtingin pa ang samahan ng mga kapulisan at mamamayan para sa mas mapaya at ligtas na komunidad.