29 na kahon ng ilegal na yosi, nasabat sa Puerto Princesa City; 2 arestado

Aabot sa 29 na mga kahon ng mga ilegal na yosi ang nasabat ng mga tauhan ng Police Station 2 sa buy bust operation sa Parking Lot ng Robinson’s Place Palawan, Barangay. San Manuel, Puerto Princesa City bandang alas-syete ng gabi ng Linggo, Ika-1 ng Setyembre.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Ang mga naaresto sa operasyon ay sina Arnel Sahibol Omar, 38-anyos at Ening Assan Omar, 43-anyos na parehong residente ng Brgy. Pulot Sure, Española Palawan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Sa ulat ng PNP, nagkakahalaga ng P406,000.00 ang nakuhang kontrabando.

Samantala, nahaharap sa paglabag sa Republic Act 4712 (Tariff Law) at Republic Act 10643 (Graphic Health Warning) ang mga suspek.