CAMARINES NORTE – Napasakamay na ng kapulisan ng San Lorenzo MPs ang lalaking akusado sa panghahalay sa kanyang sariling hipag sa ikinasang Manhunt Charlie Operation bandang alas 11:30 ng umaga nitong Disyembre 1, 2021 sa bayan ng San Lorenzo Ruiz, Camarines Norte.
Ang akusado ay nakilalang si JR, 29 taong gulang, binata at residente ng nabanggit na lugar
Si JR ay itinuturing na numero uno sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng San Lorenzo Ruiz
Ang akusado inaresto sa bisa ng warrant of arrest dahil sa kasong tatlong (3) counts of Violation of Article 266-A Par 1 of Act No. 3815 (as amended by RA 8353) na ipinalabas ng RTC Br 41, Daet, Cam.Norte na may petsang Nobyembre 29, 2021 at walang rekomendadong piyansa.
Si JR ang akusado sa panghahalay ng tatlong beses sa kanyang hipag na naganap noong buwan ng Hulyo, taong kasalukuyan sa kanila mismong tahanan.
Ang nasabing personahe ay kasalukuyang nasa kustodiya ng San Lorenzo Ruiz MPS para sa kaukulang disposisyon.
