Tricycle, gustong maibalik sa National highway sa Puerto Princesa

Aprobado sa City Council ang isang resolusyon na humihiling sa huwag munang ipatupad ang City Ordinance No. 1043 habang nasa panahon ng pandemic dahil sa COVID-19.

Ayon kina City Councilor Roy Ventura at City Jimbo Maristela, layunin nito na pansamantalang payagan na makadaan sa lahat ng kalsada ang mga tricycle kasama na sa National Highway.

Read More:  Coast Guard rescues eight crew members off Cagayan

Ito ay para matulungang makabangon ang mga tricycle driver at operator na naapektuhan ng pandemya dahil sa COVID-19.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Ang City Ordinance No.1043 ay ang lokal na batas nagpapahintulot sa mga traysikel na makabyahe sa ilang kalsada lamang sa siyudad.

Samantala umaasa naman ang konseho na maaprubahan ito ni Mayor Lucilo Bayron.