27 na bagong kaso ng delta variant, muling naitala Region 2

Muling nakapagtalang Lambak ng Cagayan ng panibagong 27 na kaso ng delta variant mula sa nakolektang mga samples noong September 1,2021 at dumaan sa whole genome sequencing noong October 8,2021.

Ito ay batay sa bagong Biosurveillance Report ng Department of Health (DOH) Central Office, University of the Philippines-Philippine Genome Center (UP-PGC) at University of the Philippines-National Institutes of Health (UP-NIH).

Tatlong probinsya sa region 2 na kinabibilangan ng Cagayan, Isabela at Quirino ang apektado at nakapagtala ng panibagong kaso ng Delta Variant.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Mula sa probinsya ng Cagayan nakapagtala ng tig-isang kaso ang bayan ng Alcala, Allacapan, Baggao at Tuao habang 15 naman ang naitala sa Isabela.

Ito ay kinabibilangan ng Santiago City na may 3 kaso, tigdalawa ang Ramon at Cabagan habang tig-isa naman ang Cauayan City, Alicia, Echague, Jones, Quezon, San Agustin, San Guillermo at San Isidro.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nakapagtala naman ang Cabarroguis, Quirino ng 5 kaso at Diffun na mayroon tatlong kaso ng Delta Variant.

Ayon pa sa DOH RO2, ang mga kasong naitala ay pawang gumaling na maliban sa naitalang kaso sa San Isidro at isa sa Santiago City, Isabela na namatay na.

Nagpapatuloy naman ang pagsasagawa ng Special Action Team (SAT) ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) sa tulong ng RHU at LGU ng maingat na case investigation at contact tracing activities.