Umabot na 26 thousand ang crowd estimate ng Manila Police District sa mga bumisita sa Manila North Cemetery.
Ayon sa MPD, ang bilang ay mula alas 5 hanggang alas 11 kaninang umaga.
Samantala, mula October 30, umabot na sa 702 na mga ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng PNP.
Pinakamarami ay mga sigarilyo at vape sa 236, sumunod ang mga flammable material katulad ng lighter at mga pabango sa 217.
Mayroon din nakumpiskang baraha.
Patuloy ang paalala ng PNP sa mga bibisita sa sementeryo na huwag na magdala ng mga ipinagbabawal na bagay.
Sa kabuuan, mayroong mahigit 200 pulis ang nagbabantay da labas at loob ng Manila North Cemetery.