Matumal pa ang pagdating ng mga kababayan nating bumibisita sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay dito sa Manila South Cemetery sa bisperas ng All Saints’ Day.
As of 11:00AM, nakapagtala ang Command Post ng 1,386 warm bodies sa loob ng sementeryo.
Ilan sa mga rason na nakikita ng mga awtoridad ay ang maagang pagdagsa ng mga dadalaw bago pa ang All Saints’ Day pati na ang nararanasang panahon.
Kabilang sa mga nakausap natin lalo na ang mga may sakit ay nagsabing ayaw na nilang makipagsiksikan sa maraming tao pagdating ng November 1.
Samantala, aminado naman ang Public Information Officer ng Manila Police District Station 6 na si Police Captain Agapito Yadao Jr. na sa kabila ng paulit-ulit na paalala ay may mga pasaway pa rin na nagdadala ng ipinagbabawal na gamit.
Kasama sa mga naharang ay mga lighter, pintura at iba pang panlinis ng puntod at sigarilyo.
Pero sa halip na makipagtalo, iginiit ni Yadao na ipinapaliwanag na lamang nila na maaaring iwanan ang mga bawal na gamit at bibigyan sila ng number upang makuha muli sa paglabas ng sementeryo.