Tuloy-tuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa Parañaque Integrated Terminal Exchange na pauwi sa kani-kanilang probinsya isang araw bago ang Undas.
Ayon sa pamunuan ng PITX, as of 11 kaninang umaga umakyat na sa 55,620 ang naitala nilang foot traffic ng mga pasahero na karamihan ay byaheng Batangas at Cavite.
Mas mabilis ang pagdami ng pasaherong naitala ngayong araw kumpara sa kaparehong oras kahapon.
Wala ring naitalang cancelled trip ang PITX at sinabing sapat ang mga bus na byaheng Bicol.
Bagaman ramdam ng ilang dispatcher ng bus na byaheng Bicol na mas konti ang pasahero na bumyahe ngayon kumpara noong nakalipas na taon.
Samantala, mahigpit naman ang ipinatutupad na seguridad sa loob at labas ng terminals. May nakalatag rin na police assistance desk para tumugon sa concern ng mga pasahero.
Inaasahan naman ng PITX na aabot sa 150,000 ang magiging foot traffic ngayong araw.