266 titulo ng lupa, naipamahagi ng DAR sa probinsya ng Laguna

Batangas City – Matagumpay na naipamahagi ng Department of Agrarian Reform o DAR ang nasa 256 na Certificate of Land Ownership Award CLOA, sa ilang mga magsasaka sa probinsya ng Laguna.

Isinagawa ang distribusyon noong nakaraan Martes, June 25, 2024 na pinangunahan ng pamahalaan panlalawigan ng Laguna at mga opisyal ng DAR Laguna Provincial Office.

Kabilang din sa ipinagkaloob ng kagawaran ang mga makinaryang pangsakahan, tulad ng 1 woodchipper, 3 automatic electric knapsack sprayers at 1 unit ng 3-wheeler cargo vehicle.

Nakatanggap din ng isang 4×4 multi-cab delivery pick-up type vehicle ang grupo ng Mayatba Farmers na mula naman sa bayan ng Famy.

Samantala, layon ng programang ito na matulungan ang mga magsasaka na mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *