Batangas City – Ipinamahagi ng Department of Agriculture – Special Area for Agricultural Development o DA-SAAD CALABARZON, ang nasa limampu’t anim na mga kambing sa pitong asosasyon ng mga magsasaka sa Tingloy, Batangas.
Isinagawa ang pamamahagi noong June 26, 2024 kung saan natanggap nila ang kambing na 14 na purebred barako, 14 na purebred dumalaga at 28 na upgraded na dumalaga.
Kabilang sa mga asosasyong tumanggap ng alagaing kambing ang San Juan Tingloy Farmers’ Association, Talahib Farmers’ Association, San Isidro Farmers’ Association at iba pang asosasyon.
Samantala, isinagawa naman sa pagtatapos ng programa ang Pledge of Commitment kung saan layon nito na mapagtibay pa ang pagtutulungan ng bawat isa upang umunlad ang sektor ng agrikultura sa naturang bayan.