Population census isinagawa sa Batangas City

Batangas City – Muling isasagawa ng Philippine Statistic Authority o PSA ang Population Census (POPCEN) at Community-Based Monitoring System (CBMS) sa lahat ng mga kabahayan sa Batangas City.

Katuwang nila sa programa ang pamahalaang lungsod ng Batangas City, sa pamamagitan ng City Planning and Developmental Office, ngayong darating na July 15, 2024.

Nakatakda silang mangalap at mangolekta ng mga makatotohanan at napapanahong datos na magiging basehan para sa mga programa at proyekto ng lokal na pamahalan para sa mga nasasakupang residente.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin ang PSA sa PESO Batangas City, upang mahikayat ang mga aplikante na maging parte ng programa bilang enumerators, kung saan makakatanggap sila ng kaukulang sahod.

Nabatid na ang makakalap na mga datos ay mananatiling confidential at gagamitin lamang para sa mga programa ng pamahalaang pang lungsod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *