Maghahain ng protesta ang Pilipinas kasunod ng panibagong provocative action ng China sa Bajo de Masinloc.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Enrique Manalo, magpupulong ang National Maritime Council upang mapag-usapan ang nararapat na hakbang sa dangerous manuevers ng People’s Liberation Army Air Force sa eroplano ng Philippine Air Force.
Ayon naman kay Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr., asahan na ang “continous” pattern na gagawin ng China bilang paggigiit ng kanilang karapatan sa pinag-aagawang isla.
Sinabi ni Teodoro, na umaasa pa rin sila na tutugon ang China sa International law at sa pangangailangan na magde-escalate ng sitwasyon sa WPS.
Samantala, sinabi ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. , hindi magpapatinag ang AFP at magpapatuloy ang patrolya sa Bajo de Masinloc.
Ayon sa AFP Chief, iligal ang ginawa ng China at provocative bukod sa delikado ang pagpapakawala mg flares sa ating eroplano.