25 patay sa bomb attack sa busy market sa Baghdad

Patay ang 25 na tao habang marami ang sugatan sa nangyaring bomb attack sa busy market sa Baghdad Iraq.

Naganap ang pagsabog habang naghahanda ang bawat pamilya para sa Islamic festival na Eid al-Adha .

Read More:  BAYAN prepares a ‘hot’ welcome for Trump ahead of his expected Philippine visit

Sa inisyal na report, kabilang sa mga nasawi ay mga babae at mga bata.

Dahil sa pagsabog, ilan ding mga tindahan ang nasunog at napinsala.

Read More:  Several Florida polling precincts moved due to heavy rain and flooding

Ayon sa mga otoridad, ito ang pinakamatinding pag-atake sa Baghdad sa nakalipas na anim na buwan.

Wala pang natukoy ang mga otoridad na responsable sa nangyari bagamat isa sa mga tinitignan ay ang kaugnayan ng Islamic State group.