‘Mahigit 30 million fully vaccinated hindi na bumalik para sa booster shot’ – NTF adviser

Tinatayang nasa 30 million na mga indibidwal na nakakumpleto na nang kanilang 2nd dose ng COVID-19 vaccine ang hindi na bumalik para sa booster shot.

Ito ang inihayag ni National Task Force vs COVID-19, Special Adviser Ted Herbosa sa gitna ng patuloy na pagbagal ng vaccination rate sa bansa.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Mula sa 65 million na fully vaccinated nasa 11 million pa lamang ang naturukan ng booster shot.

Isa sa mga rason ayon kay Herbosa ay maraming mga kababayan ang nag-aakalang hindi na kailangan ang booster shot ngayong ngayong nasa alert level 1 na ang karamihan sa mga lugar sa bansa.

Read More:  Sotto questions legality of flood control subcommittee

Sa kabila nito gumagawa naman ng paraan ang pamahalaan para mas mapadali na makuha ang booster shot katulad ng paglalagay ng mga vaccination sites sa mga mall, botika, terminal, at pati na sa mga klinika ng doktor.