249-LM na bahagi ng access road mula Hermosa hanggang SBFZ tapos na

Tapos na ang 249-linear meter na bahagi ng 17.74-kilometer access road mula sa Hermosa Economic and Industrial Zone hanggang sa Subic Bay Freeport Zone.

Ito ang inanunsyo nakalipas na mga araw ng Department of Public Works and Highways.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon sa DPWH umaabot sa mahigit siyam na milyon ang pondo para sa 4-lane, 249-linear meter road section at access road na nagkokonekta sa Hermosa EcoZone sa Clark International Airport at gayundin sa mga seaport sa rehiyon.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Inaasahang mas makakatulong ito sa turismo ng Bataan dahil mas magiging accessible ang daan sa mga turista.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: DPWH