Pimentel, binatikos ang planong ‘soft launch’ ng MIF bill sa Davos trip ni Marcos

Binatikos ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang plano ng Marcos administration na magsagawa ng “soft launch” para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland ngayong linggo.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Ayon kay Pimentel, ang naturang hakbang ay tila pag-udyok sa Senado na madaliin ang pagpasa sa kontrobersiyal na sovereign wealth fund bill.

Sa gitna nito, binalaan ng senador ang gobyerno laban sa pagprmote sa hindi pa existing na Maharlika Investment Fund bill sa WEF.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Para sa mambabatas, ang naturang hakbang ay magbibigay lang ng pressure sa Mataas na Kapulungan para madaliin ang pagpasa sa panukala kung saan maisasantabi ang iba pang mas mahalagang legislation.