Halden Prison sa Norway, kilalang pinaka maganda at pinaka makataong bilangguan sa buong mundo

KILALANG bilangguan sa Norway ang Halden Prison, bilang pinaka-maganda at pinakamaka-taong bilangguan sa mundo kahit na pinamumugaran ito ng mga preso na halang ang mga kaluluwa o mga worst criminals.

Sa nasabing bilangguang, ang mga  preso ay tinatrato ng maayos, lahat na ng kanilang mga pangangailangan ay ibinibigay na sa kanila katulad ng mainit at patas na distribusyon ng mga masasarap na pagkain; magandang tanawin, kompletong gamit sa loob ng bawat selda kagaya ng tv, refrigerator pati narin ng malinis na mga banyo.

Sa kasalukuyan ang Halden Prison ang pangalawa sa pinaka-malaking bilangguan sa Norway at naglalaman ng mahigit 250 na prisoners kung saan ang iba ay nakagawa ng mga bayolenteng mga krimen katulad ng murder, assault o rape.###CD