245 mga Kabataang Studyante sa bayan ng Sta. Elena, nag Camp Tour at Familiarization Firing sa himpilan ng 9th Infantry Battalion

CAMARINES NORTE- Nagsagawa ng Camp Tour at Familiarization Firing ang 9th Infantry Battalion para sa 245 mag-aaral mula sa Sta. Elena Camarines Norte College, Incorporated nito lamang ika-4 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Ang nasabing mga mag-aaral ay binubuo ng 1st to 4th Year Students ng College of Criminology, ROTC at CAT Officers mula sa nasabing paaralan sa bayan ng Sta. Elena.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Bukod sa Familiarization Firing, nagsagawa rin ang 9IB ng Static Display, Film Showing, Disassembly and Assembly of M16 A1 Rifle at Basic Life Support Lecture.

Sa mensaheng ibinigay ni Dr. Bayani, naniniwala umano siya na ang kaalaman ay hindi nagtatapos sa apat na sulok ng paaralan, kaya naman laking pasasalamat niya sa 9IB ng sila ay paunlakan sa kahilingang makapagsagawa ng nasabing aktibidad.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Nagtalaga rin ng mga kwalipikadong kasundaluhan ang 9th Infantry Battalion na nagturo sa bawat aktibidad para masiguro umanong may madadalang kaalaman at panibagong eksperyensya ang bawat estudyante.

Siniguro rin ng 9IB ang seguridad mula sa pagsundo sa mga mag-aaral gamit ang military trucks hanggang sa paglagay ng mga security upang masigurong ligtas ang bawat isa habang ginaganap ang mga aktibidad.