Bilang ng mga pamilyang nagsilikas sa evacuation center sa Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon, pumalo na sa mahigit 3,000

LEGAZPI CITY – Umabot na sa 3,680 ang bilang ng mga pamilyang nagsilikas sa evacuation centers sa lalawigan ng Albay dahil sa pag-aalburoto ng Bulkan Mayon.

Batay sa tala ng Albay Police Provincial Office, katumbas ito ng 12,748 na mga indibidwal mula sa mga barangay na nasa 6km permanent danger zone ng bulkan.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Pinakaramaming nailikas na ay mula sa bayan ng Malilipot na may 3,250 na mga indibidwal o 893 mga pamilya.

Sinusundan naman ito ng bayan ng Camalig na may 2,903 indibidwal o 969 mga pamilya; Guinobatan na may 2,773 na indibidwal o 812 na pamilya; Daraga na may 2,015 indibidwal o 516 na pamilya; Tabaco City na may 1, 589 indibidwal o 433 na pamilya; habang ang Ligao City ang may pinakakaunting evacuees na umabot lamang sa 218 indibidwal o 57 pamilya.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA