Ano ang flavor ng ice cream ang gustong-gusto mo?
Makakayanan mo kayang kainin ang malamig na Ice Cream kung malalaman mong mayroong nakatagong hiyas sa loob nito?
Laking gulat ng isang doktor sa Mumbai, India sa kaniyang binniling Ice cream.
Dahil sa sobrang init ng panahon natunaw ang kaniyang kinakaing Ice Cream at bigla na lamang lumitaw ang isang sangkap na inakala niyang mani ngunit nang tumagal ito pala ay daliri ng tao?
Tama, daliri nga ng tao ang isa sa sahog sa Ice cream na kanyang kinakain.
Sinubukan niya itong kagatin at muling tinitigan nang mabuti at nakitang daliri nga ng tao.
Dahil dito, agad niyang ipinaalam sa pulisya ang pangyayaring ito para imbestigahan at ayon naman sa kompanya na pinanggalingan ng ice cream, tutulong umano sila sa imbestigasyon hinggil sa insidente. ### Nico Merciales, Intern